Intramuros
Ang Intramuros ay isa sa pinakamatandang distikto ng Maynila na siksik sa kasaysayan ng ating nakaraan. Naging mas kilala pa ito dahil sa katawagan nitong ding-ding na lungsod (Walled City) na ipinangalan pa dahil sa mga nagtataasan at matitibay nitong pader na ginawa upang maprotektahan ang mga mahahalagang gusali nito sa loobSa ngayon ang Intramuros ay isa na sa pinakasikat na pasyalan sa kalathang Maynila dahil sa mga natatanging lumang istraktura at higit sa lahat narito rin ang ating kasaysayan. Sikat itong pasyalan sa mga istudiyante na gustong malaman ang ating kasaysayan, sa mga magpapamilya na tanging libreng araw lamang ay Sabado at Linggo at sa mga mag kasintahan na gusto ng tahimik na lugar.
Simple lang naman ang paraan para makarating sa Intramuros
- Una, kung ako ay manggagaling sa Guadalupe Station ng MRT bibili ako ng ticket nito patungo sa Taft Station na nagkakahalaga ng 10.00 pesos
- Pangalawa, pagdating sa Taft Station tatawid ako ng SM Manila patungo sa sakayan naman ng LRT
- Pangatlo,mula Edsa Station bibili uli ako ng ticket patungo sa Central Station na nagkakahalaga naman ng 15.00 pesos at pagdating sa destinasyon, lakad lang ng kaunti tiyak na makikita mo na ang labas ng Intramuros
Bago makapasok sa Intramuros kapansin- pansin ang tahimik at malawak nitong luntian lugar sa di-kalayuan agad mapapansin ang mga nagtataasan nitong pader na kasing tanda narin siguro ng kasaysayan na nakalathala tungkol dito. Pero ang naka-agaw ng aking pansin ay ang mga bantay ng Intramuros na nakadamit ng pulis noong panahon pa ng mga kastila na talaga mararamdaman mo na parang kabilang sila sa kasaysayan. Kawiling wiling puntahan at dalawin dito ang mga lumang istraktura na ginawa ng Museo. Kamangha-mangha din ang tanawin sa Intramuros mula sa loob at mataas nitong pader matatanaw mo ang luntian at patag nitong paligid sa baba
Habang naglalakad sa loob ng Intramuros madadaanan ang Pamantasaan ng Lungsod ng Maynila
At pagkatapos ay ang Puerta Realand na pinaglalagyan ng mga lumag kampana, kanyon at mga kagamitan noong panahon pa ng mga kastila nasa loob ng mga rehas, na ginamit din ng mga hapon noong ikalawang digmaan pangdaigdigan ang mga kulugan para imbakan ng mga armas noong panahon na iyon
Sunod naman ay madadaanan ay ang Baluarte de San Diego Garden na may Entrance fee na 50.00 pesos na meron magagandang tanawin at pinanatili nitong akitektura sa loob na sinamahan ng peskong tanawin ng mga halaman
Sa tapat naman ay makikita naman dito ang Pres. Ramon Magsaysay Entrepreneurial Center na ginamit na tangapan noon ng ating dating pangulo.
Sa hindi kalayuan may isang kawili-wiling libre ng pasyalan ay ang Galeria De Los Presedenies De la Republica Pilipina ,makikita ang lahat ng mukha ng mga nag daang pangulo ng ating bansa
Ang sumunod naman na puweding puntahan ay ang San Augustinians Museum sa Intramuros na may tanda na 410 years old simula ng itinayo ang istrakturang kaya ito ay may malaking papel sa ating kasaysayan. May Entrance Fee 50.00 pesos at souvenir na nag kakahalagang 50.00-100.00 pesos.
Sikat itong pasyalan sa mga bumibisita sa Intramuros dahil sa mga antigo at sagrado nitong kagamitan na halos kasing tanda narin ng kasysayan ng simbahan. Ang mas interisadong bagay para puntahan ang museo ay ang mga rebulto na nasa loob hindi dahil sa antigo ang mga ito, kung hindi sa mga nakakamangha kuwento sa likod ng mga ito
Sa hindi kalayuan mula sa San Agustin Museum mararating muna ang Fort Santiago isa sa pinakakilalang lugar sa Intramuros dahil sa pagpapanatili ng kultura nito noong sakop pa tayo ng mga kastila at tunog ng mga nagdaraan kalesa na parang nagpapaala ng ating makulay na nakaraan.
Sa nagdaraan kasaysayan ng Fort Santiago maraming na bilang dito at nawalan ng buhay noong panahon ng mga kastila at bago magtapos ang ikalawang digmaan pandaigdigan kaya napakaraming mga lumang kanyon atmga kulungan ang makikita dito
Isa pa sa lalong ng nagpatingkad ng pagkakakilanlan ng Fort Santiago ay ang pagkakabilango ng ating pambansang bayanina si Jose Rizal noong 1896 bago siya tuluyang barilin sa Bagong Bayan (Rizal Park).
Sa Rizal Shrine Museum nakalagay naman ang mga memorabilia ng ating pambansang bayani noong nabubuhay pa siya at dito rin nakalagay ang kapiraso ng kanyang buto.
Ang kapiraso ng buto ni Jose Rizal
Bago ka makalabas ng Fort Santiago makikita sa sahig ang mga huling yapak ni Jose Rizal na gawa sa bronze, na nagrerepresenta ng huling mga lakad ng ating pambansang bayani mula sa kanyang kulungan patungo sa lugar na pagdadausan ng kanyang kamatayan
Maraming pang lugar sa Fort Santiago ang puwede mo puntahan tulad ng mga Prison Dangeons, Open air theater at Picnic Groves
Sa huli huwag nating kakalimutan bumili ng mga souvenir na magpapaala ng lugar na ating pupuntahan. Ang pagpasyal sa Intramuros ay hindi lamang pampalipas ng oras dahil sa bawat kanto nito ay may natatagong kuwento ng ating kasaysayan mula sa ating makulay na nakaraan. Dahil ito ang lugar na tunay nating maipagmamalaki sa atin at parte ng ating nakaraan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento